Sunday, September 4, 2011

Ikaw Pa Rin

SG



Akala ko okay na, yun pala hindi pa
Hindi na sana ako lumpait pa
Bawat hakbang nang paglapit ko
Lumalakas pa rin ang pintig ng puso ko
Ayos na sana yung ganito na lang ito
Pero parang sasabog naman ang dibdib ko
Nang maalala kong hindi ko na pwedeng hawakan ang kamay mo.
Na hindi na para sa'kin lahat ng ngiti at titig mo
Na hindi na ako ang sanhi ng kasiyahan mo
at hindi na sa'kin gumagalaw ang mundo mo.

Kasalanan ko nang umiwas ako noon
Gusto kong kalimutan ka; mga alaala nati'y ibaon
Para hindi na tayo magkasakitan pa sa mga susunod na araw
Pero hindi at heto't masakit pa rin tuwing ika'y natatanaw.

Natakot ako nang makita't madama ko habang noo'y hawak ko pa ang iyong kamay
Ang napakatamis nating ngiti at kasiyahang tila walang humpay
Masyadong hindi makatotohanan kaya't inisip kong ito'y isang panaginip lang
At pinilit kong magising, ika'y iwan kahit alam kong 'di mo maintindihan.
Ngunit ngayo'y heto't ikaw pa rin ang nasa puso't isipan ko
Ang sanhi nang aking biglang pagluha kapag naalala ko
Ang lalim ng pagmamahal na nadama ko mula sa'yo
At ang nakatutunaw na kasiyahan ng ika'y kapiling ko.

Hindi ko maipaparis itong mga alaalang ito sa kahit anong kayamanan sa buhay ko
Kaya't hanggang ngayon, ang puso ko pati na lahat ng lakas ko ay patuloy na pag-aari mo.
Walang makapaparis sa sayang idinulot mo sa buhay ko
Sapagkat iyong ibinigay sa'kin ang pagmamahal na napakatamis at nakakatunaw ng puso.